Denebie's Own Spot :)

Istorya ng Buhay ko. Buhay mo. Buhay nating Lahat! :))

Thursday, April 29, 2010

Ako bilang Anak at kaibigan :))

Ako? Sino ba talaga ako pagdating sa pakikipaghalubilo sa mga tao?

Ano ako bilang isang Anak at kapatid?
Ano ako bilang isang Kaibigan?

Teka. Magpapakilala muna ako. :)

Denebie Quiban Parado ang kinalakihan kong pangalan. HAHA!
Debbie nalang for short.

** Ano nga ba si Denebie Quiban Parado bilang isang anak at kapatid?

* Ako bilang isang anak at kapatid? madami akong pangarap para sa mga magulang ko, na sa sobrang dami hindi ko na alam kung pano ko magagawa lahat yun. Sa totoo lang, hindi naman ako ganun ka "sipag" na anak. tamad ako, minsan pa nga pag wala ako sa mood paladabog pa ako pag inuutusan. madami akong reklamo. malabo akong tao, BLURRED ba. :) hahaha!

Pero, kahit ganun ako. hindi naman nawawala yung respeto ko sa mga magulang ko. kahit hindi ko nasasabi yung mga dapat sabihin sa kanila, alam ko kung saan ako dapat. :) * ano raw? >:p
Anyway, sa mga kapatid ko, sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila. sa pag papaARAL syempre, sa pagiging supportive every time na may problema ako. hahaha. sila nga lang nasasabihan ko ng ibang secrets ko eh. pagdating sa crushes, kapag minsan may sama ako ng loob. palagi silang nandyan para masabihan ko. hindi naman kasi ako ganun ka-boka sa mga magulang ko. kay mama, oo nagkkwento na ko ng ibang dapat ikwento pero kay papa? parang hindi pa ata.

Bilang 'BUNSO' at 'BABY DAMULAG' sa bahay namin, maraming bawal sa'kin.
Tulad ng mga:

- Sabi ni papa, bawal akong mag Boyfriend. pagdating ko nalang raw ng 18. ngayong 18 na ko humingi naman siya ng tawad na mag boyfriend nalang raw ako kapag 21 na ko. HAHAHA! pwede naman. :p ndi naman ako nagmamadali eh. >:D (in short, bawal akong mag boyfriend kapag hindi pa ko graduate ng college.)

- Bawal akong umalis ng hindi nagsasabi kung saan ako pupunta, kung sino mga kasama ko at kung anong oras ako makakauwi. *ay meron pa pala. kung anong gagawin ko o namin sa pupuntahan. :)) walang takas diba?(hindi pwedeng umalis kapag hindi ganun ka-importante ang pupuntahan.)

- Dapat umuwi ako sa tama at saktong oras na binigay ng papa ko.. na 8PM ang pinaka-late. maliban nalang kung debut yan. :)) pwede hanggang 12. pero dapat may maghahatid sa'kin. hahaha!! kung hindi, hindi na ko makakaulit na magpaalam sa kanya. ( Kung pwedeng mas maaga pa sa 8PM ang uwi ko, gawin ko na. Para mas maganda. :) )


- Bawal ang bisitang lalaki. kahit na sino ka pa. maliban nalang kung pinsan kita. Lalo na pag hindi ka kilala ng mga magulang ko. wag kang magkakamaling kumatok sa gate namin at magatanong ng: 'nandiyan po ba si Denebie?' hahahaha! katapusan na ng mundo yun! parang 'clash of the titans!' :)) (siguro pwede naman. pero nakikita ko kasi yung reaksyon ng papa ko pag ganun eh. parang ayaw nya ng may dumadalaw na lalaki sakin :))* ewan ko ba! >;p)


-
Alam ng papa at mama ko ang pagitan sa oras ng uwi ko galing sa school. alam nila ang kaibahan ng 'naglakwatsa' sa 'na-traffic.' :)) (umuwi sa tamang oras. sundin ang schedule.) HAHAHA! Tama naman un.

Hay! diba? ilan lang yan sa mga bawal sa'kin. 18 na ko ah? bawal pa rin sila. Naiintindihan ko naman eh.
Tama rin naman sila. :)) Para sa'kin, napaka swerte kong tao dahil ang pamilyang "PARADO" ang naging pamilya ko at sila ang naging kasama ko sa lahat ng pagsubok ko sa buhay.


** Bilang isang Kaibigan? Ano nga ba si Debbie?

* Madami akong 'ALYAS' pagdating sa mga kaibigan ko. Halika, tingnan mo, para alam mo! hahaha!!
kilala ako sa iba't-ibang tawag na:

*Debbie
*Debz
*Den-den
*Debsy
*Debitot
*Debora
*Deb
*Pugz o Puge
*Baks
*Toot
*Tzol
*Tol
*Gel
*Deboy
*Girl

Ilan lang yan sa mga tawag sa'kin ng mga taong nakapalibot sakin.
nakakatuwang isipin na madami palang nagagawa ang mga kaibigan. tulad nalang ng paggawa nila ng iba't-ibang pangalan mo. :))

* Kaibigan? Mahalaga sa'kin ang mga kaibigan ko. SOBRA. Ako kasi yung tipo ng tao na nagte-treasure ng friendship.
lahat sakin importante, kahit nga balat ng chocolate na bigay ng kaibigan ko tinatabi ko pa. lahit anong remembrence na pwedeng matago. HALA sige, tago lang. :)) Mabait akong kaibigan kung mabait ka sa'kin. Aminado naman akong plastic akong tao eh. lalo na kapag ayaw ko sayo. ayaw ko talaga sayo. Alam yan ng mga kaibigan ko. Alam nila kung sino talaga ako. Alam nila kung anong ayaw ko sa gusto ko. Alam nila kung anong weaknesses and strengths ko bilang isang tao.

* Kaibigan ako sa taong kaibigan din sa'kin. Normal naman akong kaibigan. :))
ginagawa ko rin naman ung typical na ginagawa ng isang kaibigan. Nagbibigay ng advice, kasama sa lokohan, marunong maki-halo sa lahat ng bagay, kalokohan, sabihan ng secrets. diba? ang role mo nalang bilang isang kaibigan ay maging loyal sa lahat ng kaibigan mo.

* Sobrang dami na ng mga naging experience ko na nakakabaliw kasama ang mga kaibigan ko. hahaha! magre-recall lang ako... Hmmm.. sige, magkkwento ako. :))

** 2nd year High School ako nung magkaron ako ng higitsa isang kaibigan. ang dami ko atang palaging kasama nun. 9 ata kami. every break namin sa school palagi kaming nasa tapat ng bakery. nagpi-picture taking. hahahaha! Practice ng JS un eh. kasali kami sa kutilyon lahat. HAHAHA! damayan lang nun. Badtrip! hindi nga ako palasali sa mga ganun eh. yung mga UN, Kutilyon o kung ano2 pa yan. ang naaalala ko lang na sinasalihan ko nun Cheerdance. :)) hahahaha! ENJOY kaya magsayaw! >:D Ayun. namimiss ko lang ung ganung petix moments ko nung High School. Tapos palagi rin may party sa school namin nun. Valentines Party, Holloween Party, Christmas Ball, Grand Ball. ang daming EKLAT! hahaha! Palagi naman akong nandun. Pero syempre, tulad nga nung sabi ko sa taas, na mga bawal sakin. magsisimula ng 6PM yung Party, uuwi rin ako ng *PM. HAHA! bawal magpa-late eh. Marami pang Party ang susunod, baka hindi na ko makaulit! >:D
** Ngayong College, HAHAHA! AY! Naku! mas maraming Kabaliwan! :)) Dito ako nagsimulang makakita ng ibang mukha. maliban sa mga kaibigan ko nun. :)) Kaya nga nag iba na nko ng lugar sa pag aaralan sa college para maiba naman. AYUN. masaya naman sa college. adik rin kasi lahat ng mga kaibigan ko dito. lahat sila may sapak. kaya pati ako nagkaron na ng sapak! >:D Masaya sa College, nakakapagod nga lang kasi sobrang patayan sa pag-aaral. e nandyan pa yung tanong ng mga kaibigan mo na: papasok ka pa ba?, May klase daw ba?, at ang mga linyang: "late na si ma'am ng 30 min, wala na un. HAHAHA! ang mga katagang REVISE na hindi jko makalimutan. kasama mga kaibigan kong pahirapan kaming gumapang sa lusak. HAHAHA!!

* Sabi ng iba, mukha raw akong masungit, maarte, mataray. lahat ata ng BAD FIRST IMPRESSION nabigay sa'kin. haha.
tuldukan na natin yan ngayon pa lang.. Una sa lahat, hindi ako masungit. Mataray ako oo. Tulad nga ulit ng sinabi ko. kapag ayoko sayo. AYOKO SAYO. Choosie po ako. :)) hahahaha!! maarte? siguro oo. Babae ako eh. Lahat ng babae may ARTENG tinatawag. :)) Maarte ako, pero nasa lugar.

Siguro hindi ako ang ideal Friend mo, pero Pwede Rin Mangyari un! >:))

*** AKO SI DENEBIE QUIBAN PARADO isang simpleng taong may simpleng pamumuhay, madaming pangarap hindi lang sa sarili kundi pati narin sa pamilya. Madaming gusto sa buhay na hindi na alam kung pano makukuha lahat iyon. Madaming gustong makamit, Madaming gustong malaman. :)) in short.. ECHUSERA! hahaha!! :))

Ilan lang 'to na kailangan nyong malaman tungkol sa Denebie na kilala nyo. :)

Welcome sa'kin!
First Blog ko 'to! APIR! <3






No comments:

Post a Comment

Post a Comment